Thursday, August 18, 2005

Halika Kaibigan... Usap Tayo...

Ano bang problema mo?



Wala. . . (yosi…. yosi…)



Wala daw e nakakailang kaha ka na ng yosi jan



…..katahimikan….



…..nakabibinging katahimikan…. Mga usok lang ng yosi ang nagpapalitan……



hhaaayyy…… alam mo yun….



……talagang hhhaaayyyy…. Nagsimula na rin magsalita ang isa sa inyo, akala ko pipi na kayo at ako naman bingi……



nagsasawa na ako….. ayoko na….



saan na naman? Sa sitwasyon? Sa mga nangyayari?



Hindi lang….. sa kanya…..



Sabi ko naman sayo e, tanggalin mo na helmet mo



Alam ko! Matagal ko nang alam yan!



E matagal na pala e bakit…..



Nagpapakatanga ako?! Ha? Un ba ang gusto mong sabihin?



Hindi naman sa ganon…. Kaya lang parang wala naman xa sa lugar…



Alam ko!



Teka nga muna! Punyetah! Wag mo 'ko tarayan ha! Hindi ako ang kaaway mo!



…..katahimikan na naman……



sorry…. ……. …… alam ko naman e. matagal ko nang alam na nagpapakatanga ako sa kanya kahit alam kong wala siya sa lugar. At nasasaktan ako sa tuwing nagkakaganun sya dahil ako ang napapahiya e…. nasasaktan din ako na sa tuwing nagkakaganon sya kung anu-ano ang nasasabi nyo against her….. pero….



Pero hindi mo pinapansin?!



Bakit?



……katahimikan……yosi…….katahimikan……yosi……



tanong ka pa….. sakit e…. napakasakit isipin na of all people, siya pa. Finding the imperfect person perfect pala ah…. Di rin siguro….alam mo….alam mo kung bakit ako nasasaktan? Kung bakit ako umiiyak? Kasi… she's imperfect, I am too. We both have our own imperfections. But her imperfections made her perfect. Tanggap ko ang lahat lahat sa kanya…. Na magakaiba kami ng utak, na ganyan siya kung ano sya nagyon. And I love every single detail of her. Pero diba… hindi naman porket tanggap mo e hindi ka na masasaktan? Sobra na kasi e…. ayoko na….pero alam mo kung ano ang pinakamasakit dun?



Ano?



Ayaw ko aminin sa sarili ko ang lahat ng iyon.



Akala ko ba mahal mo at di ka kumpleto ng wala siya?



Oo nga. Pero kasi ibinigay ko na lahat e.lahat ng pagiitindi, pagsasakripisyo binigay ko na sa kanya…. Ubos na ubos na ako… wala na akong maibibigay pa….ginawa ko un hindi lang dahil nakukumpleto nya ako, para sa aming dalawa, para sa kanya. Hindi naman siya matuto-tuto e. hindi ko makitang pinahahalagahan nya iyon….



Baka naman kaya siya nagkakkaganyan dahil sa bumabalik si ano?



Oo nga…



E kaya naman pala e….



What do you mean?



Baka naman kasi ikaw din ang nagtutulak sa kanya na magkaganun? I mean, u cant blame her, you and ano got a past and she wants u back. And besides, she told me na you're totally different everytime ano is around. Iba ang tawa mo. Basta masaya ka daw…



Ano? Ganun lang ba un? Ha? Porket ba hindi ako ganon ka lakas tumawa pag kasama siya hindi na ako masaya? Ganun ba ang tingin nya sa kin? Ganun lang ba kababaw ang pakahulugan niya sa happiness? At saka sinabi ko na naman at alam naman din ni ano na mahal ko si siya at di ko iiwan si siya for her, unless siya will push me to. Alam mo yun? Ilang tao na ang sumubok na bumalik pero siya pa rin ang pinili ko kasi siya lng ang gusto ko, wala ng iba, siya lang, siya lang ang mahal ko.



Mahal mo pala e bakit di mo ipaglaban?



Ang dami dami na anming pinagdaanan, marami ang nanira, pero lumaban ako, lumaban siya, ipinaglaban namin ang isa't isa… pero ang hirap kasi kapag siya na mismo ang sumisira sa inyo… kapag siya na ang kalaban…. Lumalaban ako para sa amin, para sa kanya pero hinihila nya ako at itinutulak ako sa bagay na pinaka iniiwasan ko…. Iniiwasan ko para sa kanya…. Hindi ko na kaya…..



……katahimikan……yosi…….katahimikan……yosi……

……katahimikan……yosi…….katahimikan……yosi……

……katahimikan……yosi…….katahimikan……yosi……

No comments: